Agoo, La Union

LUGAR NA HINDI NALILIMUTAN

Marami ang pwedeng mapuntahan na lugar dito sa Pilipinas tulad ng Boracay, La Union, Chocolate Hills, Rice Terraces at iba pa. Pero kahit ang ibang tao ay walang pera para pumunta sa ibang bansa mas gugustuhin parin nila dito sa Pilipinas dahil dito ay masaya at maraming matutunan dito

Ang maganda naman na lugar na mapuntahan dito sa Luzon ay ang Agoo, La Union. sa probinsiyang ito ay marami kang makikita na Ilocano na mga tao. Hindi malalim ang salita nila sa ilocano pero ito parin ay naiintindihan mo. Ang makikita dito sa La Union ay ang mga palayan at dagat. Marami din dito ang mga resort na may dagat. Makikita mo rin dito ang iba’t ibang uri ng mga hayop sa daan. Makakakita ka dito ng calabao, kambing, pato at mga baboy. Magandang puntahan sa La Union ay ang mga beach resort.

Sa dagat meron ang tawag nila na “Golden Hour” na kung saan makikita mo ang magandang paglubog ng araw at nagsisimula nang gumabi. Makikita mo ang magandang kulay ng langit at dito rin ay lumalabas na ang buwan. Ito ay isang dahilan kung bakit pinupuntahan ng mga tao ang La Union

Maraming tao ang gustong bumalik sa La Union dahil sa tawag nilang chill vibes daw dito kaya maraming tao ang nagpapawala ng pagod o tensyon at dito din sila nagpapahinga

One thought on “Agoo, La Union

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started